Official Website of the Municipality of Daet Camarines Norte

PUBLIC HEARING UKOL SA HILING NA PAGTAAS NG PASAHE SA TRICYCLE SA BAYAN NG DAET

PUBLIC HEARING UKOL SA HILING NA PAGTAAS NG PASAHE SA TRICYCLE SA BAYAN NG DAET

Isang public hearing/consultation ang itinakda ng Sangguniang Bayan ng Daet ukol sa proposed tricycle fare increase na hinihiling ng tricycle sector sa bayan ng  Daet.

Sa panayam ng Cool Radio News Fm kay Konsehal Sherwin Asis kaninang umaga, sinabi nito na inaanyayahan ang riding public lalung lalo na ang ibat ibang sektor ng mga commuters tulad ng mga kabataan o mga estudyante, mga senior citizens, persons with disabilities at lahat ng concerned sa nasambit na usapin na dumalo sa gaganaping public hearing/consultation sa covered court na matatagpuan sa harap ng Daet Municipal Hall, Brgy. Pamorangon, ganap na 1:00 ng hapon sa araw ng Miyerkules, Nobyembre 7, 2018.

Dito ay nakatakdang dinggin ng Sangguniang Bayan ang panig ng mga tricycle drivers at operators sa bayan ng Daet gayundin ang panig ng riding public o mga commuters sa kahilingan ng Daet Federation of Tricycle Operators and Drivers Association (FETODA) na magkaroon ng dalawang pisong (Php 2.00) pagtaas mula sa umiiral ngayong walong pisong (Php 8.00) minimum fare sa tricycle.

Nabatid na kamakailan ay humarap sa Sangguniang Bayan ang FETODA upang ipaabot ang kanilang kahilingang gawing sampung piso (Php 10.00) ang minimum fare sa unang dalawang (2) kilometro at dagdag na piso (Php 1.00) kada dagdag na kilometro. Ito ay bunsod na rin umano ng malaking pagtaas sa presyo ng gasolina na matagal ng iniinda ng mga drivers at operators.

Dahil dito, hinikayat ng konsehal ang lahat na makilahok sa mahalagang usapin na ito upang marinig ng bawat panig ang hinaing ng bawat isa gayundin ang iba pang mga issues and concerns sa sektor ng pamamasada bago pa man magdesisyon ang Sangguniang Bayan para sa pag apruba ng naturang ordinansa.

Positibo naman ang konsehal na magiging maayos ang takbo ng gagawing public hearing at magkakaroon ng kasunduan sa magkabilang panig na magiging win-win situation para sa lahat.

http://camnortenews.com

Please follow and like us:
0
Close Menu