Official Website of the Municipality of Daet Camarines Norte

HPG CAMNORTE, NAGPAALALA SA MGA TRICYCLE DRIVERS AT OPERATORS UKOL SA PAGBABAWAL SA MGA ITO SA MGA NATIONAL HIGHWAYS!

HPG CAMNORTE, NAGPAALALA SA MGA TRICYCLE DRIVERS AT OPERATORS UKOL SA PAGBABAWAL SA MGA ITO SA MGA NATIONAL HIGHWAYS!

Mahigpit nang ipinagbabawal ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pagpasada ng mga pedicab at tricycle sa national highway sa Metro Manila at mga lalawigan.

Ito ang naging paalala sa mga tricycle drivers at operators ng Camarines Norte Highway Patrol Group (HPG) sa pamumuno ni Provincial Officer PCI Jun Villarosa matapos itong dumalo sa Pulbic Hearing kamakailan ng Sangguniang Bayan ng Daet ukol sa hiling na Tricycle Fare Increase.

Aniya, ang kautusan ay ibinaba ni DILG Secretary Eduardo M. Año sa lahat ng city at municipal mayors matapos na mapansin ang mga bumibiyaheng mga tricycle sa national highways. Bagama’t malaking tulong aniya ang operasyon ng mga ito para sa kabuhayan at pagkakakitaan ng mga drivers, mapanganib naman aniya sa kanilang kaligtasan ang pagbiyahe sa mga national highway, kung saan kasabayang bumabagtas ang malalaki at matutuling behikulo.

Nilinaw naman ng DILG chief na papayagan pa rin ang mga ito na makadaan sa main highways ng nakasasakop na sangguniang panlungsod o sangguniang bayan, kung talagang walang alternatibong ruta sa mga patutunguhan ng kanilang mga sakay.

Kaya naman sa ngayon ay hinihingi ni Villarosa ang tulong sa Sangguniang Bayan na suportahan ito sa pamamagitan ng pagsusulong ng isang ordinansa upang hindi na bumiyahe pa sa national highway ang mga tricycle ng Daet. Salig kasi sa ilalim ng Local Government Code, may awtoridad ang mga city at municipal mayors, sa pamamagitan ng kanilang mga sanggunian na isaayos at pakialaman ang operasyon ng mga  tricyclesa kanilang nasasakupan.

Dagdag pa ng opisyal, matagal na umano itong ipinatutupad ipinatutupad at maaaring hulihin sila anumang araw o oras.

Samantala, habang wala pang ordinasa ay pinapayagan lamang umano ang mga ito na bumiyahw o dumaan sa mga outer lane o road widening na nagawa ng DPWH.

Hiling naman ng mga tricycle drivers at operators na sana ay maayos at malinis muna sa mga obstructions ang mga outer lanes lalo na sa kasentruhan ng bayan kung saan nagkakaroon umano ng pagsisiskip ng daloy ng trapiko lalo na at karamihan sa mga ito ay ginagamit na bilang mga parking areas.

Nangako naman ang Sangguniang Bayan na kanilang pag uusapan at tutugunan ang mga nasambit na usapin.

http://camnortenews.com

Please follow and like us:
0
Close Menu