Official Website of the Municipality of Daet Camarines Norte

BUSINESS ONE-STOP-SHOP NG LGU DAET 2018

BUSINESS ONE-STOP-SHOP NG LGU DAET 2018

BUSINESS ONE-STOP-SHOP NG LGU DAET, SINIMULAN NGAYONG ARAW! MGA MAG RERENEW NG MGA BUSINESS PERMIT, NAGSIMULA NANG DUMAGSA!

By CNN NEWS on January 3, 2018, Daet Camarines Norte
Photos courtesy of Aris Zante Zamudio Alexopoulos

Sinimulan na ngayong araw ang pagbubukas ng Business One-Stop-Shop o BOSS sa Pamahalaang Lokal ng Daet.

Layunin nito na matulungang mapabilis ang pagpoproseso ng pag renew ng mga business permit ng mga negosyante sa nabanggit na munisipalidad.

Pinangungunahan ito ng tanggapan ng Ingat yaman sa pamumuno ni Municpal Treasurer Rodante Fobes katuwang ang Go Negosyo Center na pinamumunuan naman ni Mrs. Ma. Eliza H. Llovit bilang Negosyo Center Manager ng LGU Daet.

Ayun kay Municipal Treasurer Forbes, malaking tulong ito sa mga mag rerenew o kukuha ng Mayor’s Permit dahil matatagpuan na dito ang halos lahat ng tanggapan maging ng mga national government agencies na kailangan para sa pag renew ng lisensya partikular ang Bureau of Internal Revenue (BIR), Bureau of Fire (BFP), Department of Trade and Industry (DTI) at maging ang ilang mga local government offices ay nasa isang lugar lamang.

Dito kinakailangan ding masunod ang isinasaad ng Citizen’s Charter kung saan nakasaad kung ilang minuto lamang dapat tumagal ang kliyente sa isang counter.

Ayun pa kay Forbes, hanggang Enero 20, 2018 lamang magtatagal ang BOSS, at kinabukasan ng huling araw ay may multa nang ipapataw para sa mga mag rerenew.

Nanawagan din si Forbes sa lahat ng mga negosyante na huwag nang hintayin pa ang huling araw ng One Stop Shop upang hindi abutin ng siksikan at abala sa huling mga araw ng programa, at gayundin ang multa sakaling hindi umabot sa itinakdang araw.

(CLICK TO ENLARGE)

Please follow and like us:
0

Leave a Reply

Close Menu