Official Website of the Municipality of Daet Camarines Norte

8 DAETEÑO, TUMANGGAP NG DANGAL NG DAET AWARD!

8 DAETEÑO, TUMANGGAP NG DANGAL NG DAET AWARD!

Tumanggap ng parangal at pagkilala ang walong Daeteño sa nakalipas na Barangay Night na ginanap sa Camarines Norte Agro Sports Center nitong besperas ng kapiyestahan ng Daet, June 23, 2018.

Ang Dangal ng Daet Awards ay matagal nang panahon na ipinagkakaloob ng pamahalaang bayan ng Daet sa piling mga katangi tanging Daeteño na nagpakita ng kagalingan sa kani-kanilang mga larangan.

Ngayong taon, sa pagdiriwang ng Pinyasan Festival 2018, tumanggap ng naturang parangal sina Atty Emmanuel F. Dooc na tumatayo ngayong pangulo at CEO ng Social Security System (SSS). Tumanggap din ng kahalintulad na pagkilala si Rev. Fr. Gerard Francisco P. Timoner IIIOPPrior Provincial of the Domenican Province of the Philippines sa relisious category; Sa larangan naman ng pulitika, si Former Councilor Peter David Yantoundefeated and consistent topnotcher politician sa kanyang kapanahunan. Si Yanto ay kilala bilang mahusay na lehislador mula sa Sangguniang Bayan ng Daet hanggang sa Sangguniang Panlalawigan. Nagsilbi syang inspirasyon sa mga bagong pulitiko sa lalawigan. Sa larangan naman ng arts andentertainment, binigyan din ng Dangal ng Daet Award si Engr. Albert Michael M. Idioma bilang magaling na Sound Recordist at Film Mixer, tumatayong pangulo at CEO ng Wildsound Inc. and Live Sound Corporation.

Samantala, sa larangan naman ng komersyo, kinilala din ng Pamahalaang Lokal ng Daet ang FAMILY MERCHANT DEVELOPMENT CORPORATION (FMDC), bilang trailblazer in Subdivision and Mall Development. Kumatawan sa FMDC ang mga incorporators na sina Mr. Wilson P. Kho, bilang General ManagerMr. Samson P. Kho, bilang pangulo; Mr. Oscar AspeVice President for Finance; at Mr. Danilo C. Jose, bilang Chairman of the Board.

Ang FMDC ay kilala sa kanilang pagdevelop ng mga subdivisions hindi lamang sa bayan ng Daet kundi maging sa ibang bahagi ng lalawigan. Naging dahilan ito ng pagkakaroon ng pagkakataon ng mga mamamayan ng disente at sariling tahanan. Ang FMDC din ang nagbukas ng kauna-unahang Mall sa lalawigan ng Camarines Norte na nagbigay ng hanapbuhay sa maraming mamamayan.

Tinanggap ng mga awardee ang nasabing parangal kasama ang kanilang mga pamilya. Mismong si Mayor Benito S. Ochoa at Konsehal Cora Yuzon Bacerdo bilang Chairperson ng Dangal ng Daet Awards ang nag abot ng parangal sa mga awardee.

Sa mensahe ni Mayor Benito Ochoa, nagpasalamat ito sa mga nasa likod ng naturang parangal at lalo’t higit sa mga awardee na nagsisilbing inspirasyon ng bawat Daeteño.

Ang Dangal ng Daet Awards ay taon-taong isinasagawa ng pamahalaang lokal ng Daet, kasabay ng pagdiriwang ng Anibersaryo ng pagkakatatag ng bayan ng Daet at ng Pinyasan Festival. Ito ay sa pamamagitan ng isang ordinansa na isinulong ni Konsehal Cora Yuzon-Bacerdo. Kabilang din bilang miyembro ng kometiba ngayong taon sina Ms. Violy Albao at Konsehal Rosa Mia King.

Rodel Macaro Llovit

Camarines Norte News

Please follow and like us:
0
Close Menu